• EMEA

Alamin kung paano nila makikilala ang pag-ibig na laan para sa kanila sa “Since I Found You”

Kane Errol Choa | Aaron Domingo | Joyce Jimenez| Posted at 13/04/2018 07:00 AM

Isang panibagong kuwento kung papaano uusbong ang pag-ibig sa mga taong naghahanap nito ang matutunghayan sa pagsisimula ng ABS-CBN series na “Since I Found You”, na pinagbibidahan nina Arci Muñoz, Alessandra de Rossi, JC De Vera, Empoy, at Piolo Pascual, na mapapanood sa labas ng Pilipinas via 
The Filipino Channel (TFC), na mayroong streaming ang pilot episode via TFC online (www.TFC.tv) sa April 16 (Manila time), sa buong mundo maliban sa ibang bansa.

Tunghayan ang pagbabalik-teleserye ng Ultimate Heartthrob na si Pascual bilang Nathan, isang negosyanteng nagmamay-ari ng pinakamalaking construction company sa bansa. Bagama’t kinakikiligan dahil sa kaniyang kisig at tikas, kinakatakutan siya ng kaniyang mga empleyado dahil sa kaniyang pagiging strikto at metikoloso.

Makikilala naman niya si Dani (Muñoz), isang masipag at maaasahang anak, sa pagpasok nito bilang intern sa kumpanya ni Nathan. Magiging mahirap ang kaniyang pagtatrabaho para sa boss, ngunit makakasama niya si Ginno (De Vera), ang career-driven na assistant ni Nathan, na aalalay kay Dani upang magawa nang maayos ang kaniyang trabaho.

Mula naman sa box-office success ng hit movie na “Kita Kita,” bibida sa kanilang unang teleserye ang love team na Alempoy. Tampok sa serye ang karakter ni Janice (de Rossi), ang secretary ni Nathan, na nagtatrabaho upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya, lalo na ng kaniyang anak. Ang driver naman ni Nathan na si James (Empoy) ang pagmumulan nila ng saya dahil sa kaniyang pagiging kuwela at kakulitan.

Magkakaiba man sila ng buhay at pinagmulan, pag-ibig naman ang magdudugtong sa kanilang mga puso --- mahuhulog ang loob ni Dani para sa boss niyang si Nathan, ngunit sabay naman nito ang unti-unting pag-usbong ng pagtingin ni Ginno para kay Dani. Bukod naman kay Dani, mapapaibig din ni Nathan ang secretary niyang si Janice, na siya namang sinusuyo ni James.

Saan nga ba hahantong ang pagkakatagpo-tagpo ng kanilang mga puso? Mahanap na nga kaya nila ang pag-ibig na kanilang inaasam?

Kasama rin sa cast ng “Since I Found You” sina Carmi Martin, John Lapus, Vivoree Esclito, Isabel Oli, Cholo Barretto, at Michael de Mesa.

Ito ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment at direksyon ng box-office director na si Antoinette Jadaone.

Panoorin ang pag-uumpisa ng nakakaaliw na love story ng “Since I Found You”, na mapapanood sa labas ng Pilipinas via TFC, at streaming ang pilot episode via TFC Online sa buong mundo maliban sa ibang bansa, na simulcast sa local airing nito sa April 16 at 9:00 p.m.

Maaari namang balikan ang mga nagdaang episodes via TFC Online and TFC IPTV, sa buong mundo maliban sa ibang bansa.

Para sa updates tungkol sa show, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

 
 

BE A KAPAMILYA!

Tap into our vibrant community.