• EMEA

Balik-tambalan nina Erich Gonzales at Enchong Dee nagpakilig sa fans; pagsasama nina Piolo Pascual at Arci Munoz at pagbabalik ni Maja ‘Lily Cruz/Ivy Aguas’ inantabayanan sa 2018 KFW

Marianne de Vera| Posted at 26/04/2018 12:30 PM

Iba’t-ibang rekados at kulay ang handog ng taunang “Kapamilya Fiesta World (KFW)” sa tuwing ito ay dinadala ng ABS-CBN Regional at The Filipino Channel (TFC) sa mga Pilipino sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.  At bilang pambungad sa kauna-unahang KFW ngayong 2018, pinagsama-sama ang kilalang mga tambalan, ang mga namimiss na mga karakter sa telebisyon at pati na ang pinakabagong tambalan sa Philippine television sa Les Docks de Paris on 87 avenue des Magasins Generaux at the 93300 Aubervilliers nitong March 31.

Tampok sa unang “KFW” sa ika-10 taon nito ang dating love team na sina “Blood Sisters” leading lady Erich Gonzales at Chinito Hearthrob Enchong Dee na muling nagsama matapos ang kanilang tambalan sa “Katorse” apat na taon na ang nakararaan.

“Sobrang tagal na kaming di nagkakasama sa stage. Maraming salamat po dahil hinayaan niyo kaming makabalik sa inyo,” tuwang-tuwang ani Dee.

Balik-tambalan din sila sa KFW stage kung saan nag-duet sila sa saliw ng “Closer” ng Chainsmokers.  “KFW” favorite talaga si Dee dahil sa kaniyang dance performances at hindi magkamayaw ang audience.  Sa kabilang banda ay hindi nagpahuli si Gonzales.

Napaibig ang Paris audience sa kaniyang on-stage enactment ng kaniyang tatlong character na sina single mother na Erika, career-woman na si Carrie at rebeldeng si Agatha.

Sa stage, patuloy ang pag-charm ng multi-talented Star Magic artists sa kaniyang performance ng “Something Just Like This” na pamosong collaboration ng mga grupong Chainsmokers at Cold Play.

Balik “KFW” naman ang Dance Princess na si Maja Salvador, kung saan ibinahagi niya ang kaniyang singing prowess sa “Power” ng Little Mix at “IDGAF” ng Dualipa.  Hit na hit sa mga Filipino sa France ang pagbabalik-tanaw sa karakter ng bida-kontrabida na kilala bilang Ivy Aguas / Lily Cruz sa nag-trending na serye na “Wildflower”.

Dance showdown naman ang panghuli ni Salvador katambal ang kapwa niyang bihasa sa dance floor na si Dee saliw sa awiting “Uptown Funk” ni Bruno Mars. Nag-solo naman si Dee sa “Cup of Life” remix ni Ricky Martin.

Samantala, nasilayan naman ng mga Filipino sa Paris ang bagong tambalan nina “Since I Found You” leading lady Arci Munoz at Ultimate Heartthrob Piolo Pascual.  Unang bumungad si Munoz na isang lead vocals ng isang band kaya hindi na ikinagulat ng marami ang kaniyang matatas na pagawit ng “Sweet Child of Mine” ng Guns N’ Roses, “You Give Love A Bad Name” ni Bon Jovi at “Diamond” ni Rihanna.

Grand finale ang solo number ng walang kupas na si Kapamilya Heartthrob na si Piolo Pascual na pinatunayang ang kaniyang multiple talents sa kaniyang performance ng “Crazy Little Thing Called Love” ni Elvis Presley, “All I Ask” ni Adelle at ang kaniyang sariling hit na “Kailangan Kita”.

Samantala, ikinatuwa rin ng mga Pilipino sa Paris ang paganunsyo naman ng Regional at TFC ang susunod na KFW sa Scotland sa June 16, 2018 kung saan panibagong set of artists naman ang magbibigay saya sa mga kababayan sa bahaging ito ng Europe.

Maki-connect sa kapwa global Filipinos at i-follow ang Kapamilya Global PR at Kapamilya TFC sa Facebook, Instagram at Twitter.

 
 

BE A KAPAMILYA!

Tap into our vibrant community.