• EMEA

Yearend Special showcases heartwarming stories of Global Pinoys

Rose Eclarinal | Maxxy Santiago| Posted at 29/12/2017 07:00 AM

Sa pangalawang bahagi ng Balitang Global special report ngayong weekend, 30-31 December, muling ihahatid ng pinagsamang puwersa ng Europa at Middle East Correspondents ang kuwento ng ating mga kababayang Pinoy sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa bansa na tinuturing nilang bago o pangalawang tahanan.

EUROPE

Sa London, dalawang mukha ng pasko at bagong taon sa kuwento ng isang nurse at isang salon owner ang ihahatid ni correspondent Marco Pajo sa “Calling”.

Marco1.jpgMarco2.jpg

Sa Roma, samahan si correspondent Jacke De Vega sa pagtawid ng isa sa pinaka-importanteng araw sa kalendaryo ng simbahang Katolika sa kuwentong pinamagatang “La Dolce Vita?’

Jacke1.JPGJacke2.JPG

At sa Belgium at Holland, silipin ang buhay pasko at bagong taon ng mga paring misyoneryo na patuloy na nagsisilbi sa mga kababayang Pinoy sa kontinente ng Europe — ang special report ni correspondent Raquel Crisostomo.

Raquel2.jpgRaquel1.JPG


KUWAIT

Ihahatid ni Kuwait correspondent Kathrina Perea ang kwento ng isang Pinoy na haharapin ang kaniyang bagong buhay malayo sa pamilya sa pagpasok ng bagong taon. ‘Unang Bagong Taon sa Disyerto.” Paano nga ba ang bagong taon na malayo sa pamilya sa unang pagkakataon?

Kuwait-BTS.jpgKuwait-Kathrina-Perea.JPG

 

ABHA, ASSIR REGION

Walang party party, walang exchange gifts, walang paputok, ganyan ang bagong taon sa Abha, Saudi Arabia. Silipin kung papaano ipinagdiriwang ng mga Pinoy ang bagong taon at tunghayan ang kuwento ng isa sa ating mga kababayan na halos tatlong dekada nang walang uwi-uwi sa Pilipinas at taun-taon nagbabagong taon sa Saudi. Ito ang kwentong hatid ni Debbie Jane Pangan, ‘Aba, Bagong Taon sa Abha!”

Assir-BTS.jpgAssir-Debbie-Pangan.JPG

 

DUBAI, UAE

Isang DJ sa Dubai ang labindalawang taon ng nagpapasaya sa mga OFW na tagapakinig sa araw ng Pasko at Bagong Taon, para makapawi ng kalungkutan sa mga kabayan sa ganitong okasyon. Para sa kanya sa mga listeners din siya kumukuha ng lakas at inspirasyon habang ang asawa at anak ay nasa Pilipinas din. Ito ang kuwento ng ‘Bagong Taon sa harap ng Mikropono’ hatid ni Dubai Correspondent Rachel Salinel.

Dubai-DJ-Blue-Mikropono.jpgDubai-Rachel-Salinel.jpg

Click here to watch Balitang Global on TFC Online!

 
 

BE A KAPAMILYA!

Tap into our vibrant community.