• EMEA

Kilalanin ang pinakamagaling na Magician!

Betty Bondoc| Posted at 12/04/2018 05:30 AM

Hindi sa bilang ng mga naipanalo niyang laro o sa dami ng perang naiuwi masusukat kung bakit tinagurian si Efren "Bata" Reyes na isang living legend sa larangan ng bilyar. Ayon sa sports analyst na si Bob Guerrero, "He will never be measured by his statistics alone. Dapat tingnan mo yung buong pagkatao niya. At tingnan mo rin yung naiambag nya sa laro."

Meron nang mahigit sa 70 international titles si Efren pero hindi lamang ito and dahilan kung bakit marami ang nagmamahal sa kaniya. Sa kabila ng tagumpay, nanatiling nakatapak sa lupa ang mga paa ng "The Magician." Ayon pa nga sa TV Sports Commentator na si Anthony Suntay, "more than the achievements that he's been able to do on the table, it's really being able to stay humble. He is one of the most loved sports icons ng Pilipinas. And it's because, the guy, up to this day has remained so humble."

Mula sa kaniyang mga epic matches laban sa orihinal na "Hari ng Bilyar" Amang Parica, archrival Earl Strickland, at longtime billiard partner Django Bustamante hanggang sa kaniyang di mapantayang husay at legendary trick shots, kilalanin ang isa sa mga pinakamahusay na bilyarista sa buong mundo sa S+A original documentary, "Legendary."

 

Mapabilib sa angking galing at husay ng pinakamagaling na Magician. Click here to watch "Legendary" on TFC Online. Also available on TFC IPTV.

 
 

BE A KAPAMILYA!

Tap into our vibrant community.