• EMEA

Mensahe ng pag-ibig patuloy na ipapakalat sa 2018 Summer Station ID ng Kapamilya network

Kane Errol Choa | Aaron Domingo | Joyce Jimenez| Posted at 12/04/2018 04:30 PM

Puno pa rin ng mensahe ng pag-ibig at inspirasyon ang “Just Love Araw-Araw” Summer Station ID ng ABS-CBN na tampok ang 30 Kapamilya artists sa pangunguna nina Vice Ganda, Anne Curtis, Billy Crawford, Karylle, at Vhong Navarro ng “It’s Showtime,” kasama ang  “Singer 2018” contender na si  KZ Tandingan, at ang “The Voice PH” coach na si Bamboo.

Tulad ng “Just Love Ngayong Christmas” Station ID ng ABS-CBN noong Disyembre, hinihimok ng “Just Love Araw Araw” Summer Station ID ang mga Pilipino na ipakita ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pag-kalinga o paglingkod sa kanilang pamilya, mga kaibigan, komunidad, at buong bansa. Sa nakaka-enganyo nitong liriko at himig, dala nito ay inspirasyon sa mga tao na magpakita ng malasakit habang nagsasaya ngayong tag-init at sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Ilan pa sa nagbigay buhay sa bagong summer anthem ng bayan ay ang  “It’s Showtime” hosts na sina Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at Amy Perez; “Tawag ng Tanghalan” (TNT)  hurados na sina Rey Valera, Nyoy Volante, Mitoy Yonting, Yeng Constantino, K Brosas, Erik Santos, Jaya, Jed Madela, Louie Ocampo, Ogie Alcasid, at Rico J. Puno; TNT grand finalists na sina Remy Luntayao, Anton Antenorcruz, Tuko Delos Reyes, Sofronio Vasquez, Alfred Relatado, at Jovany Satera; maging ang mga “Ms. Q and A’s” finalists na sina  Juliana Parizcova Segovia, Matrica Matmat Centino, at Rhian Rianne Azares.

Isinulat ang “Just Love Araw-araw” ni ABS-CBN Creative Communications Management (CCM) Head Robert Labayen kasama si Lloyd Oliver “Tiny” Corpuz at Paolo Ramos ng CCM. Ang musika naman ay gawa nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana, at may dagdag na himig mula kay Jimmy Antiporda.

Naging tradisyon na ang ABS-CBN Summer at Christmas Station IDs ng Kapamilya network hindi lamang ng istasyon kundi pati ng mga Pilipino sa buong mundo dahil sa mga positibo nitong mensahe ng pag-asa at pagmamahal sa bawat awitin at video.

Panoorin ang official lyric video ng "Just Love, Araw Araw."

 

Abangan ang pinakabagong Summer Station ID na handog ng ABS-CBN tampok ang Kapamilya artists sa pangunguna ng “It’s Showtime” family. Mapapanood ang aktwal na Station ID sa Abril 14 (Manila time) sa “It’s Showtime.”

Mag-post tungkol sa video gamit ang hashtag na #justLoveArawAraw. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Facebook, Twitter at Instagram.

 
 

BE A KAPAMILYA!

Tap into our vibrant community.