• EMEA

Piolo Pascual, excited na sa kakaibang role sa 'Since I Found You'

Marilyn Paed-Rayray| Posted at 04/04/2018 02:30 AM

Kakaibang Piolo ang makikita sa teleseryeng 'Since I Found You.' Ito ang kinumpirma ng 20 years nang Kapamilya star bago ang kanyang performance sa Kapamilya Fiesta World na ginanap sa Paris noong March 31. “It starts off like I’m a mean boss, something that I don’t think I have portrayed before. It’s really fun kasi iba yung timing ni Arci rin eh and masarap ding kaeksena sina Alessandra and Empoy. Si JC naman ngayon ko lang din makakatrabaho.”

Excited si Piolo sa bagong teleserye dahil nakikinita ng aktor na magiging masaya ang set lalo na at first time niyang makakatrabaho ang apat niyang co-stars. “Masayang-masaya yung story. For sure, it is something that people will learn from. It’s a good story. Not just relatable but, actually, it really happens. It’s a good love story.” Sa direksyon ni Antoinette Jadaone, ang 'Since I Found You' ay mapapanood na sa April 16. Ito ang papalit sa primetime slot ng 'The Good Son.'

Bukod sa bagong soap, mainstay si Piolo sa 'Home Sweetie Home' na dinagdagan ng bagong set at bagong cast kasama si Ogie Alcasid. Sa kanyang singing career, regular siya sa 'ASAP' at may bago siyang project na pagkakaabalahan. “I am soon gonna be working on a new album, hopefully before Christmas para maihabol and some originals.”

Sa Europa na nagpalipas ng Lenten break si Piolo. Nagtungo siya sa Amsterdam para doon mag-shopping bago tumulak sa Paris para sa KFW event. “I was really excited because I was able to rest, did a lot of quiet time, prayer time.”

Mainit ang naging pagtanggap ng mga fans kay “Papa P” sa Paris. Katunayan, sa bawat song number, emosyonal ang kanyang mga fans. 

Nagpapasalamat siya sa suporta ng mga OFWs sa kaniyang mga shows. “I’m still doing shows for TFC and I am just so thankful for them for being around. Pag nakakalabas, I get to do shows for them like 'ASAP.' Ang sarap ng pakiramdam, they really show their love and affection.”

kfw-paris-(2).jpg

Excited siyang mag-perform para sa mga OFWs sa Hawaii kasama ang 'ASAP' cast ngayong Hunyo.

 
 

BE A KAPAMILYA!

Tap into our vibrant community.