• EMEA

Take a look back at five of our Kaganapans last week!

Jim Dela Cruz| Posted at 05/01/2018 09:06 AM

Here’s to a fresh start and making this year count. Balikan ang mga naging kaganapan ng K World sa unang linggo ng Enero ngayong taon.

Featured K-tizen: Blaise Ugnit

Hope Set Ablaze

Sa ating Monday episode, sinimulan natin ang taon na puno ng inspirasyon mula sa ating featured K-tizen mula sa Dubai. We met Blaise Ugnit—a hard working architect, loving mom, and a cancer survivor. Ipinakita niya sa atin na walang pagsubok ang hindi kakayanin basta’t may matinding pananalig sa Maykapal. Matindi rin ang paghanga ng kanyang mga kaibigan sa kanya dahil sa positibong pananaw nito sa buhay. Alamin kung paano patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay ang ating featured K-tizen na si Blaise. Catch the full daily episode here.

 

Tried and True

In our #EatsTuesday episode, our new resident K-tizen from Dubai Marr Littaua, indulged us into an ultimate food experience in one of the Filipino Restaurants in Dubai, U.A.E. This Filipino-inspired restaurant undoubtedly showcased pieces of Philippine history through its concept. Kung talagang hinahanap-hanap mo ang pagkain Pinoy, malamang ito na ang kainan para sa’yo! Alamin kung bakit #CertifiedKTP ang Carenderia Ni Tandang Sora sa Dubai. Catch the full daily episode here.

Featured K-tizen: Lydia Martin

Success ang Kakanin!

In our #WorkdayWednesday episode, we met another featured K-tizen from Abu Dhabi, UAE. Together with our new resident K-tizen Eduard Matro, we were able to witness the daily life routine of Lydia Martin. Mula sa pagiging domestic helper, pinagkakaabalahan niya ng husto ngayon ang kanyang negosyo sa paggawa at pagtinda ng mga kakanin. Need tips on how to be successful in putting up a business? Hear it from Nanay Lydia! Catch the full daily episode here.

 

HuweBEST Places

Sa ating #TakeMeBackThursday episode, ipinagpatuloy nating alamin ang takbo ng buhay ni Nanay Lydia. Sinamahan natin siya sa mga lugar na nagbibigay inspirasyon at mayroong malaking bahagi sa puso niya. Makikita rin ang matinding pananalig nito sa Maykapal sa pagiging madasalin. Ipinasyal niya rin tayo sa lugar kung saan siya at ang kanyang pamilya madalas magpunta kapag sila ay may salu-salo. Alamin at balikan ang mga lugar na ito sa ating episode noong Huwebes. Catch the full daily episode here.

 

Turn the Tassel

Sa ating #FridayTroupe episode, nasaksihan natin ang 20th Commencement Exercises ng DOLE-OWWA ITP sa Doha, Qatar. Mahigit 235 na mga kababayan nating OFW ang nagsipagtapos sa nasabing pagtitipon. Layunin ng organisasyon na pataasin ang computer literacy ng mga OFWs sa Qatar sa pamamagitan ng kursong naghahandog ng basic at advanced computer courses. Interested in enrolling? Alamin kung paano mapabilang sa programang ito. Catch the full daily episode here.

 

Ngayong pagpasok ng taong 2018, siguradong mas marami pa ang all-in-one na kasiyahan at kaganapan ang pagsasaluhan nating lahat. Happy New Year, #KWorldFam!

 

Stay tuned for our next Top Ganaps!

 

Catch K World from Monday to Friday with a special round-up episode every Saturday on TFC!

 

Weekdays (5-minute daily episodes)

Dubai: 8AM | 2:20PM | 7:50PM

KSA: 7AM | 1:20PM | 6:50PM

Rome: 6AM | 12:20PM | 5:50PM

London: 5AM | 11:20AM | 4:50PM

Weekends (30-minute special round-up episode)

Dubai: 7:30AM, Sat | 4:10PM, Sat | 3:45AM, Sun

KSA: 6:30AM, Sat | 3.10PM, Sat | 2:45AM, Sun

Rome: 5:30AM, Sat | 2:10PM, Sat | 1:45AM, Sun

London: 4:30AM, Sat | 1:10PM, Sat | 12:45AM, Sun

Pwede mo ring balik-balikan ang lahat ng past episodes sa IPTV and TFC.tv! Click here to watch.

 
 

BE A KAPAMILYA!

Tap into our vibrant community.