• EMEA

Take a look back at five of our Kaganapans last week!

Jim Dela Cruz| Posted at 12/01/2018 09:42 AM

Ngayong buwan ng Enero, patuloy ang all-in-one na kasiyahan, pasyalan at mga kwentuhan na talagang panalo sa lahat ng ating mga kababayan sa Europa at Gitnang Silangan. Balikan ang mga naging Kaganapan ng K World nitong nakaraang linggo.

 

A Bite of Happiness

Sa ating #ChoosyMonday episode, dinala tayo ng ating Resident K-tizen na si Alvin sa isang chocolate festival sa Perugia, Italy. Isa ito sa pinakamalaking pagtitipon sa Italya at pinaka-importanteng selebrasyon sa buong Europa. Nagbigay daan ang pagdiriwang upang mas maipakilala ang Italian chocolate products sa mga dumalo at sa mas malawak na international market. Alamin ang mga kwentong hatid ni Resident K-tizen Alvin at balikan ang matatamis na kasiyahan sa kaganapang ito. Catch the full daily episode here.

 

Dine at Josephine’s

In our #EatsTuesday episode, Resident K-tizen Kiara brought us into a Filipino restaurant in London, United Kingdom. Established in 1996, it has been serving Philippine cuisine for more than 20 years in Central London’s World Famous “West End”. Kung hanap mo ang pagkaing Pinoy diyan sa London, tiyak na dapat mong bisitahin ang kainang ito. Alamin ang mas marami pang dahilan kung bakit #CertifiedKTP ang Josephine’s Restaurant doon. Catch the full daily episode here.

Featured K-tizen: Lhene Calma Toloza

 

Recipe for Success

Sa ating #WorkdayWednesday episode, nakilala natin ang ating featured K-tizen of the week na isang chef at entrepreneur mula sa Paris, France. Sa pamamagitan ng kanyang angking galing at sipag sa pagluluto, mayroon na siyang sariling catering business na siyang nagbibigay serbisyo sa ating mga kababayan doon. Sa loob ng labing anim na taon na pamamalagi at paghahanap buhay nito sa bansang Pransya ay napagtapos niya ng pag-aaral ang kanyang mga anak. Balikan kung paano patuloy na tumatakbo ang buhay ng ating kababayan na si Lhene Calama Toloza. Catch the full daily episode here.

 

Great Places

In our #TakeMeBackThursday episode, we got to know more about the life of our featured K-tizen of the week Lhene Calma Toloza. Together with Resident K-tizen Dee, we went to a place that has a huge significance and importance in her life. We also had the chance to discover her famous ‘fried ice cream’ specialty which Resident K-tizen Dee took pleasure in making one. Take a look back at this lovely moment of them together! Catch the full daily episode here.

 

Sama-sama Sa Saya!

Sa ating #FridayTroupe episode ay naimbitahan tayo sa year-end gathering ng mga kababayan natin sa Kuwait. Ang pagtitipon ay inorganisa ng Philippine Embassy upang bigyang pasasalamat ang samu’t-saring FilCom groups doon na walang sawa sa pagsuporta sa kanilang mga proyekto. Ang taunang selebrasyon ay naglalayon na mas mapagtibay ang samahan at pakikiisa ng bawat kasapi sa organisasyon. Balikan ang masaya, makulay at maningning na pagdiriwang na ito. Catch the full daily episode here.

 

Masagana, masigla at puno ng inspirasyon nating sinimulan ang taong 2018. Siguradong mas marami pang supresang nakahanda ang ating programa na dapat paka-abangan ng lahat. Tutok lang araw-araw sa K World, K-tizens!

 

Stay tuned for our next Top Ganaps!

 

Catch K World from Monday to Friday with a special round-up episode every Saturday on TFC!

 

Weekdays (5-minute daily episodes)

Dubai: 8AM | 2:20PM | 7:50PM

KSA: 7AM | 1:20PM | 6:50PM

Rome: 6AM | 12:20PM | 5:50PM

London: 5AM | 11:20AM | 4:50PM

Weekends (30-minute special round-up episode)

Dubai: 7:30AM, Sat | 4:10PM, Sat | 3:45AM, Sun

KSA: 6:30AM, Sat | 3.10PM, Sat | 2:45AM, Sun

Rome: 5:30AM, Sat | 2:10PM, Sat | 1:45AM, Sun

London: 4:30AM, Sat | 1:10PM, Sat | 12:45AM, Sun

Pwede mo ring balik-balikan ang lahat ng episodes sa IPTV and TFC.tv! Click here to watch.

 
 

BE A KAPAMILYA!

Tap into our vibrant community.