• EMEA

Take a look back at five of our Kaganapans last week in the Middle East!

Jim Dela Cruz| Posted at 21/01/2018 02:25 PM

Sa pagpapatuloy ng ating paglalakbay dito sa K World, dinayo natin ang iba’t-ibang pasyalan at kainan sa Gitnang Silangan. Nalaman din natin ang nakakamanghang kwento ng isa nating kababayan doon bilang ating featured K-tizen of the week. Nasaksihan din natin ang isang masiglang pagtitipon ng ating featured FilCom group sa Riyadh. Narito at balikang muli ang mga naging K-aganapan ng K World nitong nakaraang linggo.

 

Getaway Ride

Sa ating #ChoosyMonday episode, dinala tayo ni Resident K-tizen Rap sa isa sa mga kilalang pasyalan sa Abu Dhabi, UAE. Sikat ito dahil sa samu’t-saring mga activities na pwedeng gawin ng mga turista dito. Maaaring subukan ang camel riding, dune bashing at manuod ng mga fire shows at belly dancing performances. Talagang panalo ito sa buong pamilya at barkada! Bisitahin ang Desert Safari sa Abu Dhabi, UAE. Catch the full daily episode here.

 

Great Value For Money

Sa ating #EatsTuesday episode, hatid ni Resident K-tizen Eduard ang isang masarap at nakakabusog na kainan sa isa sa mga sikat na Filipino restaurants sa Abu Dhabi, UAE. Kung hilig at hanap mo ang authentic Filipino at Pan-Asian recipes, siguradong swak na swak ang kainang ito para sa iyo. Bukod sa masasarap na mga putahe, panalo rin sa lahat ang kanilang serbisyo para sa mga parokyanong kumakain dito. Bisitahin ang Hot Palayok Restaurant and Grill at alamin kung saan ito sa Abu Dhabi, UAE. Catch the full daily episode here.

Featured K-tizen, Aldrin "Wonderboy" Laylay

 

Abracadabra!

Sa ating #WorkdayWednesday episode, ipinakilala sa atin ni Resident K-tizen Rico ang ating featured K-tizen of the week na ang hanapbuhay ay mahika. Sa pamamagitan ng pagsasalamangka at pagiging entertainer nito sa harap ng marami tao ay naipapamalas niya ang matinding pagmamahal sa kanyang talento. Tunay na kahanga-hanga ang kwento at kung paano patuloy na tumatakbo ang buhay ng ating kababayan na si Aldrin Laylay sa Al Khobar, Saudi Arabia. Catch the full daily episode here.

 

Wonderboy

Sa ating #TakeMeBackThursday episode, ipinagpatuloy natin ang buhay ng ating featured K-tizen of the week na si Aldrin Laylay. Kasama pa rin ni Resident K-tizen Rico ating binisita ang isa sa mga paborito nitong kainan sa Al Khobar, Saudi Arabia. Hindi rin naman nagpahuli ito a nagpakitang gilas ng kanyang magic tricks sa ating mga kababayan doon. Kaantig-atig din ang mga payong ibinahagi niya sa K World na talagang maaaring gawing inspirasyon ng lahat. Catch the full daily episode here.

 

Fashion for a Cause

Sa ating #FridayTroupe episode ay nasaksihan natin ang isang fashion for a cause ng mga kababayan natin sa Riyadh, Saudi Arabia. Ang pagtitipon ay pinangunahan ng Philippine Coffee Lovers Club Riyadh (PCL) na naglalayon na makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan doon. Sa pamamagitan ng kanilang Mr. Barista 2017 ay nakapagbigay tulong sila sa higit 140 na distressed OFWs nating mga kababayan sa Bahay Kalinga. Wala talagang tatalo sa pagtutulungan ng mga Pinoy, balikan ang kaganapang ito at ang mga mabuti nilang adhikain para sa kapwa Pinoy OFW doon. Catch the full daily episode here.

 

Isang kapanapanabik na linggo na naman ang ating pinagsamahan dito sa K World. Siguradong patuloy tayong tutuklas ng mas marami pang all-in-one na masasaya at hindi malilimutang mga kaganapan sa buong Europa at Gitnang Silangan. 

 

Stay tuned for our next Top Ganaps!

 

Catch K World from Monday to Friday with a special round-up episode every Saturday on TFC!

 

Weekdays (5-minute daily episodes)

Dubai: 8AM | 2:20PM | 7:50PM

KSA: 7AM | 1:20PM | 6:50PM

Rome: 6AM | 12:20PM | 5:50PM

London: 5AM | 11:20AM | 4:50PM

Weekends (30-minute special round-up episode)

Dubai: 7:30AM, Sat | 4:10PM, Sat | 3:45AM, Sun

KSA: 6:30AM, Sat | 3.10PM, Sat | 2:45AM, Sun

Rome: 5:30AM, Sat | 2:10PM, Sat | 1:45AM, Sun

London: 4:30AM, Sat | 1:10PM, Sat | 12:45AM, Sun

Pwede mo ring balikan and mga episodes sa IPTV and TFC.tv! Click here to watch.

 
 

BE A KAPAMILYA!

Tap into our vibrant community.