• EMEA

Take a look back at five of our Kaganapans in the last week of January!

Jim Dela Cruz| Posted at 04/02/2018 07:50 AM

Narito at ating balikan ang ilan sa mga top ganaps ng K World nitong huling linggo ng Enero.

 

Ukay? Okay!

Sa ating #ChoosyMonday episode, dinala tayo ni Resident K-tizen Eduard sa isang ‘Ukay-Ukay’ shopping center sa Abu Dhabi, UAE. Talagang sulit mamimili sa lugar na ito lalo na kung hanap mo ay mura ngunit dekalidad na presyo ng mga produkto. Iba’t-ibang klase ng sapatos, damit, at kagamitan ang maaari mong bilhin sa halagang 1-30 dirhams. Balikan kung anu-anong ‘ukay-ukay’ shops ang binisita ni Resident K-tizen Eduard na sa swak sa hanap niyang mga produkto. Catch the full daily episode here.

 

Tara, Unli Bogchi!

Sa ating #EatsTuesday episode, pinatakam tayo ni Resident K-tizen Marr sa samu’t-saring Pinoy street food hatid ng Uling at Parilya sa Dubai, UAE. ‘Tyak na mahuhumaling ka sa iba’t-ibang pagkaing pwedeng pagpilian na siguradong bubusog sa buong pamilya at barkada. Magugustuhan mo rin ang ambiance ng lugar dahil sa pagkakadisenyo nito na talagang Pinoy na Pinoy ang dating. Alamin kung anu-ano pang masasarap na chibog ang sinubukan ni Resident K-tizen Marr sa ating #CertifiedKTP kainan na ito. Catch the full daily episode here.

Featured K-tizen; Junie Sorsano

 

Buhay Sa Dubai

Sa ating #WorkdayWednesday episode, nakilala natin ang isang certified vlogger mula sa Dubai, UAE. Kasama ni Resident K-tizen Marr, nalaman natin ang buhay sa likod ng isang Junie Sorsano. Bukod sa pagiging isang social media at sales team manager nito, makikita rin ang matinding passion niya sa video blogging. Kaya kung ikaw ay interesado sa paggawa ng mga vlogs, dapat mong alamin kung paano nagsimula si Junie at ang kanyang mga maipapayo sa mga nais pasukin ang larangang ito. Catch the full daily episode here.

 

Ready...Set...Vlog!

Sa ating #TakeMeBackThursday episode, isinama tayo ng ating featured K-tizen of the week na si Junie Sorsano sa taping ng kanyang online show sa Dubai, UAE. Dinala niya rin tayo sa paborito niyang kainan kung saan madalas niyang pinupuntahan sa tuwing gusto niyang kumain nang lutong Pinoy. Nagbahagi rin siya ng ilang mga tips sa mga kababayan nating nagnanais na mangimambansa at makipagsapalaran bilang isang OFW. Catch the full daily episode here.

 

Job Well Done

Sa ating #FridayTroupe episode ay nakilala natin ang featured FilCom group of the week ng K World mula sa Al Khobar, Saudi Arabia. Inimbitahan nila tayo sa kanilang awarding ceremony kung saan binigyang pagkilala ang mga huwarang kababayan nating mga beauticians doon. Iilan lamang ito sa napakaraming magagandang adhikain ng organisasyong PROFILBAA na naglalayong patibayin ang kanilang samahan at bigyang pagpupugay ang serbisyo ng bawat Pinoy beauticians sa Al Khobar. Catch the full daily episode here.

 

Kasabay ng pagtatapos ng buwan ng Enero ay siyang masaganang pagpasok ng buwan ng mga puso. Siguradong dapat mas pakaabangan ang ating all-in-one na kasiyahan, kaganapan at kwentuhan dito sa programang ikaw ang bida—K World!

 

Stay tuned next week for our next Top Ganaps!

 

Catch K World from Monday to Friday with a special round-up episode every Saturday on TFC!

 

Weekdays (5-minute daily episodes)

Dubai: 8AM | 2:20PM | 7:50PM

KSA: 7AM | 1:20PM | 6:50PM

Rome: 6AM | 12:20PM | 5:50PM

London: 5AM | 11:20AM | 4:50PM

Weekends (30-minute special round-up episode)

Dubai: 7:30AM, Sat | 4:10PM, Sat | 3:45AM, Sun

KSA: 6:30AM, Sat | 3.10PM, Sat | 2:45AM, Sun

Rome: 5:30AM, Sat | 2:10PM, Sat | 1:45AM, Sun

London: 4:30AM, Sat | 1:10PM, Sat | 12:45AM, Sun

Pwede mo ring balik-balikan ang lahat ng episodes sa IPTV and TFC.tv! Click here to watch.

 
 

BE A KAPAMILYA!

Tap into our vibrant community.