• EMEA

Take a look back at five of our Kaganapans last week!

Danica Landicho| Posted at 25/03/2018 04:51 PM

Arts, food, extraordinary stories, and more fun! Every week, ‘yan ang mga hatid naming storya sa inyo, K-tizens! Kaya dahil nagdaan na naman ang isang linggo ng kwentuhan at kasiyahan, atin ding balikan ang aning mga naging K-aganapans this week para good vibes all the way!

 

History Meets Art

#ChoosyMonday was all about knowing the beauty of Abu Dhabi’s history. Binusog tayo sa kaalaman ni Resident K-tizen Eduard ng ating silipin ang kasaysayan at magagandang exhibits na makikita sa Louvre Museum! Talagang puno ng aral ang episode na ito dahil napatunayan natin ang kahalagahan ng kasaysayan. Be involved in Abu Dhabi and French history here in Louvre! Catch the full daily episode here.

 

Two in One!

Bulalo and Sinigang, two different Filipino classic recipes na talaga namang panlasang pinoy! Pero did you ever think of combining this recipe into one? Sa ating #EatsTuesday, isang kakaiba at bagong recipe ang hatid sa inyo ng Nanay Eden’s Authentic Restaurant sa Kuwait! Have a taste of their famous Bulalo Sinigang, na ayon kay resident K-Tizen Raymund ay perfect na perfect para sa malamig na klima doon. Kaya naman, if you’re looking for a delicious Filipino food with a twist, Nanay Eden’s is the place to be!  Catch the full daily episode here.

Featured K-tizen: Catherine Manibog

 

Work Hard, Pray Hard

“Mahalin mo ang trabaho mo. Kasi talagang may mararating ka” – ‘yan ang words of wisdom na ibinahagi sa atin ng ating featured K-tizen, Catherine Manibog mula sa Paris, France. A hard working Pinay, Catherine juggles her time being a housekeeper, nanny, manicurist, and as part of the choir in their church. 12 years ng nagtatrabaho si Catherine sa Paris, at para sa kanya, ang mga oras na napagsisilbihan at napapangiti niya ang kanyang mga kasama ang kanyang tunay na kaligayahan sa bansang Pransya. At syempre, hindi mawawala ang araw-araw niyang pagpapasalamat sa Diyos sa bawat umaga ng buhay niya. Keep on inspiring, Catherine! Catch the full daily episode here.

 

Second Chances

In our #TakeMeBackThursday episode, na-inspire tayo sa tatag at lakas ng pananampalataya ni featured K-tizen, Catherine Manibog nang ikwento niya kung paano niya nalagpasan ang sakit na cancer. Naranasan man niya ang hirap sa pakikipaglaban sa sakit, mas lalo naman niyang pinatunayan na walang imposible pagdating sa Panginoon. Para kay Catherine, every day is an opportunity to live better, and that second chances do happen to anyone who will to take it. We’ll learn from you, Catherine! Catch the full daily episode here.

 

Dance to the Rhythm of a Cause!

Umindak tayo sa tugtugin ng sayaw sa ating #FridayTroupe this week! Isang dance for a cause ang event na binuo ng Keep On Dancing Association sa Paris, France para matulungan ang ating mga kababayan sa Paris at Pilipinas! It’s not just all about dancing, but it’s also about helping other Filipinos para sa asosasyon na ito. Pagbabahagi ng scholarships sa mga kabataan, pag-organisa ng feeding program ang ilan sa mga activities na ginawa na ng grupo. Pwedeng-pwede kayong sumali sa KOD, K-tizens! Mag-eenjoy ka na sa pagsasayaw, makakatulong ka pa sa mga kababayan natin! Keep the rhythm alive, KOD! Catch the full daily episode here.

 

Talagang life is so much better when you have the right amount of learning and happiness! Kaya naman, patuloy lang tayo sa pag-discover ng more inspiring and interesting stories! Let’s keep up the good vibes always, K-tizens!

 

Stay tuned next week for our next Top Ganaps!

 

Catch K World from Monday to Friday with a special round-up episode every Saturday on TFC!

 

Weekdays (5-minute daily episodes)

Dubai: 8AM | 2:20PM | 7:50PM

KSA: 7AM | 1:20PM | 6:50PM

Rome: 6AM | 12:20PM | 5:50PM

London: 5AM | 11:20AM | 4:50PM

Weekends (30-minute special round-up episode)

Dubai: 7:30AM, Sat | 4:10PM, Sat | 3:45AM, Sun

KSA: 6:30AM, Sat | 3.10PM, Sat | 2:45AM, Sun

Rome: 5:30AM, Sat | 2:10PM, Sat | 1:45AM, Sun

London: 4:30AM, Sat | 1:10PM, Sat | 12:45AM, Sun

Pwede mo ring balikan ang ating mga episodes sa IPTV and TFC.tv! Click here to watch.

 
 

BE A KAPAMILYA!

Tap into our vibrant community.