• EMEA

Hindi pag-usad ng kaso ng nawawalang Pinoy, kinadismaya ng pamilya

Kristhoff Cagape| Posted at 10/08/2018 07:43 AM

Dismayado at nababagalan ang pamilya ng nawawalang Pinoy tourist na si Christopher Buluran sa French police dahil hanggang sa ngayon ay wala pa ring lead sa kaso ng kanilang padre de pamilya. Ayon sa ulat ng “Balitang Global,” sinugod sa Georges Pompidou Hospital si Christopher sa kasagsagan ng World Cup Finals at magta-tatlong linggo na itong nawawala matapos ilabas sa ospotal.

Nag-aalala ang pamilya ni Christopher tungkol sa lagay ng kanyang kalusugan. Pahayag ng asawa niya na si Aura Adlao Buluran, “From what we know as a fact from the hospital, we are attributing it to something that might have happened to him mentally. He's also diabetic.”

Ayon sa anak ni Christopher na si Ianne Jhaye Buluran, inabot ng ilang oras bago nila makausap ang mga pulisya noong unang beses silang dumulog sa mga pulis.

“We have been to at least three different districts. I think the first couple of times we waited 3 to 4 hours in the police lobby to just even talk to an officer to sort of report,” sabi ni Ianne.

Dagdag ni Aura, “I am  more frustrated because it is very difficult to get the help that we need and I understand that we are in a foreign country and I am not a French citizen but there seems to be no sense of urgency.”

Lumuwas mula Florida ang kapatid ni Christopher na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari sa kanyang kapatid. “We didn’t think that this is something that could happen at all to somebody traveling on vacation. At first it was just disbelief,” pahayag ng kapatid na si Heidelyn Buluran Grams.

Namataan 'di umano kamakailan sa kahabaan ng Notre-Dame de Paris si Christopher. Nabuhayan ng loob ang pamilya niya nang malaman ito.

“We were all excited that we knew he is still alive. We are treating it as if we just saw it for the first time,” sabi ni Aura.

Hiling ng pamilya ni Christopher ay makipag-dayalogo sa kanila ang mga pulisya.

“We wanted someone from the police to tell us that yes we are aware that your husband is missing. What we would like is to meet with them together,” pahayag ni Aura.

Para sa karagdagang balita sa Middle East, Europe at Africa, manood ng “Balitang Global” ngayong Sabado at Linggo sa tfc.tv.

 
 

BE A KAPAMILYA!

Tap into our vibrant community.