• EMEA

Obra ni Lav Diaz, mainit na tinanggap sa Berlinale Film Festival 2018

Jessica Gross| Posted at 26/02/2018 03:30 PM

'Di man nasungkit ng pelikulang "Ang Panahon ng Halimaw" (The Season of the Devil) ni Lav Díaz ang minimithing Golden Bear Award sa ginanap na Berlinale Film Festival 2018, para na rin Itong nanalo sa mainit na pagtanggap ng mga manunuod at international critics.

Isa sa 19 entries sa main competition ng Berlinale 2018 ang "Ang Panahon ng Halimaw." Maaalalang nasungkit ni Lav Díaz sa pelikulang "Hele sa Hiwagang Hapis" noong 2016 ang Silver Bear Alfred Bauer Prize. "People from different countries will go up to the casts of Halimaw and tell us, you know you touched my heart and it felt like home,“ ayon Kay Shaina Magdayao na gumanap sa character na Dr. Lorena Haniwey sa pelikula. 

The leads of "Ang Panahon ng Halimaw," Piolo Pascual and Shaina Magdayao

“Kasi yun din daw nangyayari sa kanila, this film touched their lives on a global scale, di lang nationwide,“ dagdag pa ni Shaina.

Inilarawan ni Lav Díaz sa kanyang pelikula - isang rock opera - ang madilim na sitwasyon ng Pilipinas nuong panahon ng diktaturang Marcos nuong Dekada '70.

Sinuportahan ni Piolo Pascual na gumanap bilang asawa ni Dr. Lorena na si Hugo Haniway ang sinabi ni Magdayao, “same thing ang nangyari dito sa Halimaw, four hours, wala kang makikitang tumayo at all, not even a murmur, everybody seemed to be quiet.“

Sinabi pa nito na isang experiensiya ang manuod ng pelikula ni Lav Díaz. Masyadong nirerespeto si Díaz sa Europa, lalo na sa Berlin. "When you get there, it’s real time, you get to appreciate the art, that he presents.“

Humingi ng suporta sa mga nanuod sa Pilipinas na sabihin sa iba na mamulat sila sa katotohanan sa sitwasyon sa bansa, "kasi mahirap magbulag bulagan sa Panahon ngayon,“ pakiusap ni DM Boongaling, isa sa mga aktor sa Halimaw.

Ang kuwento at mga character sa pelikula ay batay sa tunay na kaganapan at buhay. Isinulat mismo ni Lav Díaz ang mga liriko ng mga awitin sa pelikula.

“Hindi natin pwedeng payagan na makabalik ang mga galamay ng diktatura at muling pagsamantalahan ang bansa,“ sabi ni Joel Saracho, aktor sa Halimaw.

Ang mga nakatanggap ng premyo ay ang mga sumusunod:
Golden Bear - Best Film - Touch Me Not (Adina Pintille); Silver Bear Grand Jury Price - Twarz/Mug (Malgorzata Szumowska); Silver Bear Alfred Bauer Prize - Les Herederas/The Heiresses (Marcelo Martinessi); Silver Bear Best Director - Isle of Dogs (Wes Anderson); Silver Bear Best Actress - Les Herederas (Ana Brun); Silver Bear Best Actor - La Priere (Anthony Bajon); Silver Bear Best Screenplay - Museo ( Manuel Alcala at Alonso Ruizpalacios); at ang Silver Bear - Outstanding Artistic Contribution - Elena Okopnaya.

 
 

BE A KAPAMILYA!

Tap into our vibrant community.