• EMEA

Meet Jhulsan, your Resident Ktizen from Riyadh!

Admin| Posted at 15/08/2017 07:30 AM

Stage Name: Jhulsan Dela Cruz
Full Name: Jhulsan Mhark Dela Cruz
Nickname: Jhulsan / JM / Mhark
Birthday: October 10
Hometown:  Baguio City, Philippines
Current Location: Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia

Favorite Food:
I have a lot of favorite food! Kasi ako yung tao na hindi mapili sa pagkain! Kung ano ang inihaing pagkain sa hapag kainan, sige kain! Ganun ako! Pero may mga favorite food ako na gustong gusto kong kainin. 'Pag ulam, like Chicken adobo, chicken curry, sinigang na bangus, sinigang na pork, sinigang na baka, adobong sitaw! Mapapa 3 rice talaga ako!! Mahilig din ako sa mga maasim na ulam gaya ng paksiw na isda, tapos lumaki kasi ako sa Baguio kaya tuwing naulan, yung mother ko naghahain ng pritong tuyo, kamatis, tapos may kasamang talong at may mangga pa! Susme! Sarapa!!! 
Nakaugalian ko na rin kumain ng merienda gaya ng mangga na meron bagoong super sarap!! Tapos mga halo halo, spaghetti, salad. At favorite ko din ang mga cake super!!! Nakakatakam! Tapos mahilig din akong kumain ng mga dried sea food like ung mga daing, pusit, dilis!!! Sarap! Ang sarap ng pagkaing Pinoy!

Favorite Travel Destination:
'Pag foreign country, mostly sa Hongkong kasi I have relatives there na napapasyalan ko at malapit lang sa Pilipinas. Pero syempre pag nauwi ako ng Philippines, usually sa Baguio lang ako namamasyal! Tuwing umaga, I go for a jog sa famous park, ang Burnham Park!! Lalo na pag summer masarap sa Baguio. Kasi yung weather all year round hindi sya sobrang init. Tapos pag taglamig naman lalo na pag nag-umpisa na ang ber months, ang sarap ng simoy ng hangin!!! Tapos gusto ko sa mga lugar din na may mga puno at garden na may mga munting tanawin! Tahimik at nakaka relax ng pakiramdam. Madalas sa probinsya ng mga lolo at lola ko ako namamasyal!! Although, I also love to travel sa mga lugar kung saan natututo ako ng local culture at language gaya na lang dito sa Riyadh. During my day off, I go out with friends. We visit museums or sometimes bonding at hang out sa place nila at nagkakaraoke. 

Gadget you can’t live without:
Cellphone at laptop! 

Usual OOTD:
Ako kasi yung taong simple lang manamit! Kahit baduy basta comfortable ako sa suot ko!! My favorite are plain white and blue tapos maong pants lang for sunny day!!  

Beauty Regimen:
Enough sleep and nutritious food! Pero before I go to sleep, I always take a shower and always put some night creme on my face like moisturizer. 

Hobbies:
I love swimming. I love to watch movies. Sleep and, of course, eat. I also have an interest in learning new languages.

Favorite Movie Quote: 
"You're the first person I kissed and you'll be my last" from the movie "Sweet Home Alabama"

Favorite Movie:
No Strings Attached / Romance Comedy 

Favorite TV Show: 
National Geographic and Discovery Channel. Game of Thrones.

Favorite Book:
Educational Books

Ultimate Celebrity Crush:
Celebrities I just look up to and idolize: Tom Cruise and Angelina Jolie

Kapamilya Celebrity Crush:
Anne Curtis

Greatest Fear:
My greatest fear are my phobias ... 

Alin ang nauna, manok o itlog? Explain. 
Nauuna ang manok. Kasi hindi naman lalabas ang itlog kung wala ang manok. In the process, lalaki yung manok at mangingitlog!!

Unang sasabihin mo pag nakita mo si Ex:
Deadma lalo na pag sinaktan ka nya ng sobra sobra!!! 

Facebook: JHulsan MHark Dc
Instagram: @mahrk_cruze
Twitter: @jhulsanmhark

 
 

BE A KAPAMILYA!

Tap into our vibrant community.