• EMEA

Sino ang mananagot sa pagkamatay ni Victor?

Kane Errol Choa | Aaron Domingo | Joyce Jimenez| Posted at 12/04/2018 05:30 PM

Sapat ba ang selos at galit para makumbinse ang isang asawang patayin ang kaniyang asawa? Sapat din bang ebidensya ang pagiging isang mabuting anak upang mahatulang inosente?

Matutuldukan na ang lahat ng katanungan ng mga manonood dahil malalaman na kung sino nga ba kina Olivia o kina Joseph (Joshua Garcia), Calvin (Nash Aguas), Obet (McCoy De Leon), at Enzo (Jerome Ponce) ang tunay na inosente sa ABS-CBN series na “The Good Son”, na mapapanood sa labas ng Pilipinas via The Filipino Channel (TFC), at streaming via TFC Online simulcast sa local airing nito sa April 13 (Manila time), sa key countries worldwide.

Mas tumitindi na ang laban ng apat na mga anak para sa katotohanan ngayong nauwi na sa dahas ang kanilang pagsasagupaan matapos magtutukan ng baril sina Enzo at Joseph, pati na rin sina Obet at Calvin sa pag-aasam na makapaghiganti sa kinahinatnan ng kanilang mga pamilya.

Dahil dito, mas umigting ang ebidensya na maaaring isa sa kanila ang pumatay kay Victor (Albert Martinez) ngayong nakikita na dahil sa dinadala nilang poot ay kaya nilang kumitil ng buhay para lang makapaghiganti.

Magbabago naman ang takbo ng lahat dahil mangyayari rin kay Joseph ang sinapit ng kaniyang ama matapos siyang lasunin sa mismong araw ng kaniyang kaarawan. Ang pangyayaring ito ang maglalapit sa lahat sa katotohanan kung sino nga ba ang tunay na utak sa likod ng krimen, hanggang sa isa na namang matinding rebelasyon – umamin si Enzo sa salang pagpaslang sa kaniyang ama upang mapaamin ang kaniyang ina na nahuli sa recording na umamin sa sala.

Ngunit mananaig pa rin ang tanong – siya nga ba ang tunay na pumatay? Kung totoo ngang siya ang pumatay, kaya ba niyang tiisin ang anak o magparaya?

 

Huwag palalampasin ang pagtatapos ng Gawad Tanglaw best TV drama series at best ensemble acting for teleserye awardee na “The Good Son”, na napapanood sa labas ng Pilipinas via TFC, at may streaming ang final episode via TFC Online simulcast sa local airing nito sa April 13 at 9:00 p.m. (Manila time), sa key countries worldwide.

Mapapanood ang catch-up episodes sa labas ng Pilipinas via TFC Online at TFC IPTV, sa key countries worldwide.

Para sa updates tungkol sa show, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

 
 

BE A KAPAMILYA!

Tap into our vibrant community.