• EMEA

Filipina singer na si Camille Cabaltera, tampok sa Italian version ng theme song para sa Disney movie na 'Raya and the Last Dragon'

Mula sa ulat ni Rose Eclarinal| Posted at 29/03/2021 11:16 PM

Dream come true para sa Filipina singer na si Camille Cabaltera ang maging bahagi ng Disney animated film na "Raya and The Last Dragon."

Siya ang napili ng Disney Italia na maging singer para sa Italian version ng kantang "Lead The Way" nI Jhené Aiko. Ito ang theme song ng pelikula, na hango sa iba't-ibang kultura sa Southeast Asia. "Scegli" ang Italian title ng version na inawit ni Camille.

Aniya, Disney Italia mismo ang nag-offer sa kanya ng naturang proyekto, na agad niyang tinanggap dahil isa raw itong "dream come true" para sa kaniya. 

Kahanay ni Camille ang kapwa Filipina singer na si KZ Tandingan, na siya namang umawit ng Filipino version ng "Lead The Way," na pinamagatang "Gabay."

13 years old si Camille nang magsimula siyang umawit sa Italian TV shows. Noong 2017 ay sumali siya sa X-Factor Italia at nabigyan ng standing ovation para sa kaniyang audition piece na "Worth It." Nag-perform na rin si Camille sa "ASAP Natin 'To" sa Rome noong 2019, kasama nina Erik Santos, Angeline Quinto, at TNT Boys.

"Just work hard and persevere, in the end you'll never know what's gonna happen." Iyan ang payo ni Camille para sa mga katulad niyang nangangarap maging matagumpay na singer balang araw.
 
 
 

BE OUR KAPAMILYA!

Tap into our vibrant and thriving community!