• EMEA

Italya magpapatupad ng COVID lockdown ngayong Easter; Restriksyon sa ilang rehiyon muling hinigpitan

Posted at 14/03/2021 08:58 PM

Muling ilalagay sa nationwide lockdown ang Italya pagtungtong ng Easter bilang tugon sa muling paglobo ng bilang ng mga COVID cases sa bansa. Ito ang pangalawang taon na maglo-lockdown ang Italya sa panahon ng Easter, sa gitna ng pandemya. 

Isasara ang mga non-essential shops simula April 3 hanggang April 5. Maaari lamang lumabas para sa trabaho o kaya naman for health and emergency reasons.

Patuloy naman ang paghihigpit ng mga restriksyon sa ilang rehiyon tulad ng Lombardy, kung saan muling tumaas ang bilang ng mga nagkaroon ng COVID. Para sa Lombardy at iba pang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng bagong kaso, baka mas mapaaga pa ang pag-anunsyo ng lockdown. 

"I hope that this will be the last sacrifice asked of our citizens," ani Lombardy President Attilio Fontana.

Ang Italya ang isa sa mga EU countries na higit na naapektuhan ng COVID. Ngayon, sa gitna ng pagpasok ng mga panibagong variants ng coronavirus, muling tumataas ang mga kaso at napupuno ang kanilang mga hospital.

Inaasahang mapapabagal ng lockdown at mas mahigpit na health protocols ang pagkalat ng COVID sa bansa.

 

 
 

BE OUR KAPAMILYA!

Tap into our vibrant and thriving community!