• EMEA

Jollibee, magbubukas ng panibagong branches sa UK; Halagang £50m para mag-expand sa buong Europa, nakahanda na rin

Shin Kitane| Posted at 15/03/2021 01:47 PM

Handang-handa na ang Pinoy fast food chain na Jollibee sa European expansion sa kabila ng pandemya.

Kumpirmado na ang planong pagbubukas ng panibagong flagship branch ng Jollibee sa Leicester Square, London. Magbubukas rin ng 7 additional stores ang Jollibee sa UK.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jollibee UK (@jollibeeuk)

 

Kasalukuyang may tatlong branches ang Jollibee UK sa Earl's Court, Leicester, at Liverpool.

Samantala, halagang £50m naman ang nakatakdang investment ng Jollibee para sa planong pagpapalawig ng Pinoy food chain sa iba pang European countries. Plano ng Jollibee na magbukas ng 50 branches sa Europe hanggang matapos ang taong 2025. Kabilang na rito ang balak na pagbubukas ng kauna-unahang Jollibee branch sa Madrid, Spain.

Ayon kay Dennis Flores, president at regional business head ng Jollibee sa Europe, the Middle East, Asia and Australia: “Jollibee is dedicated to growing the brand here in the UK and across Europe. Investing £50m proves our commitment to become a major player in the quick service industry here. We adapted our approach to appeal to a young British demographic which meant building a premium, inviting space with a touch of our distinctive Asian heritage."

Dagdag pa ni Flores, nagkaroon man ng setback dahil sa pandemya, tuloy pa rin ang kanilang pangarap na mailuklok ang Pinoy brand sa EU market. “The pandemic may have been a setback, but it will not deter us from pursuing our vision for Jollibee in the UK and the rest of Europe,” aniya.

Image Source: Jollibee UK Website

 
 

BE OUR KAPAMILYA!

Tap into our vibrant and thriving community!